Pagluha ng mga Tala

Hindi ko namalayang nagdilim na naman ang langit,
Maya-maya lang siguro’y huhulagpos na ang ulan;
Hinahanap ang buwan at ang mga bitwing marikit,
Nawala ng tuluyan na parang sa kupas na larawan…
Sa isang madilim na kalsada’y inaagusan na ng luha,
Na tila ang kanyang kahapo’y inagos na sa siphayo;
Magpapalakad-lakad sa baha ng kawalang pag-asa,
Na parang sumuko na sa masamang biro ng mundo…
Ngunit di man inasahan, araw di’y sa kanya’y sisilip,
Hahawiin ang pangamba’t isasantabi ang alinlangan;
Nabasa man sa ula’y sa dulo’y maaari ng maidlip,
Kalakip ang mga ngiti matapos ang pagtahan…
Ngayong gabi, hayaan mong sabihin ko ang saloobin,
Sa hampas ng ula’y binigyang kulay mo ang papawirin…

Bookmark and Share

2 Responses to “Pagluha ng mga Tala”

  1. Angela Says:

    totoo ba to? galing talaga magsulat! Ü

  2. ♥↨HeyZeL_LoVe Says:

    AmazIng anganda nman.,,
    ^^,

    galing!!

Leave a Reply